Categories
Canada Tagalog

L.P., 40, a healthcare worker from Toronto, Canada

“…Wala tayong kalayaan sa gusto natin gawin. Daming mga nawalan ng trabaho kaya daming mga nagugutom ngayon…”

Ang buhay natin ngayon ay sobra hirap gawa ng pandemyang dumating sa atin, buo mundo apektado. Wala tayong kalayaan sa gusto natin gawin. Daming mga nawalan ng trabaho kaya daming mga nagugutom ngayon. Wala ka ng mapuntahan dahil sarado lahat maliban sa mga grocery stores at Hospitals. Araw araw dami namamatay at nagpopositibo sa covid 19 wala kontrol patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng may covid 19 dahil marami mga matitigas ang ulo na hindi sumusunod sa ECQ. Kami nandito sa Canada kahit papaano maswerte pa rin dahil malaya ka makabili ng mga pagkain araw araw. Pero marami din mga tao na hindi sumusunod na hindi makaintindi sa Social Distancing..Pag nasa labas ka hindi mo na masasabi safe ka dahil hindi mo na alam kung sino ang carrier ng virus.Lalo na kaming mga healthcare workers nakakasalamuha namin mga batang may sakit kaya bawal sa amin magtanggal ng mask. Sana matapos na ang pandemyang ito pra makabalik na sa normal ang buhay natin. Sana lumabas na ang vaccine pra sa virus. Stay home and stay safe!

[submitted on 5/17/2020]

Categories
Tagalog United States

M.I., 48, a baby nurse from Queens, NY

“…May discrimination pa, pag Asian inaaway, minumura minsan sinasaktan pa. naranasan ko yan minsan nasa bus ako at ako ay naka mask, bigla ako nilayuan at sinabing , ‘you asian, go back to your country'”…

NEW YORK CITY. THE CITY THAT NEVER SLEEP…. but now it’s different… ang hirap at nakakatakot. Sanay ka na pa giising mo sa umaga papasok ka, makikipagsiksikan ka sa bus at traiin. Nung magsimula ang pandemic na ito, hindi kami lahat handa , maging ang gobyerno hindi nila akalain na magiging mahirap ang dadanasin ng mga tao. Ang daming nawalan ng trabaho, Araw araw sa balita may namamatay. Lalo na pag mabalitaam mo isa sa kamag anak ng mga kaibigan mo ang nawawala. Ang hirap lumabas kasi hindi mo alam baka sa pupuntahan mo merong isang tao na may dalang virus. May discrimination pa, pag Asian inaaway, minumura minsan sinasaktan pa. naranasan ko yan minsan nasa bus ako at ako ay naka mask, bigla ako nilayuan at sinabing , “you asian, go back to your country”…sa takot ko hindi ako kumibo at hindi ko sya pinansin. Sa gabi sanay ka na marinig ang madaming kotse na dumadaan sa tapat ng bahay, ngayon ambulansya, bumbero pulis ang maririnig mo. Kailangan mag ingat lalo na pag mamimilinka ng oagkain kasi yung ibang tao matigas pa din ang ulo, wala masks, walang gloves. Ang nakakalungkot pa, wala kang madalaw na kaibigan o kamag anak, kami ng apo ko facetime lang nag uusap sa ngayon kasi may bagong sakit na naman sa mga bata ang kumakalat. ..dapat sa oanahon ngayon kailangan magtulungan at magdasal sa panginoon para makabalik na ang lahat sa normal na buhay. Makinig ang mga tao sa gobyerno hindi yung may mga protesta pa na ginagawa na binabalewala ang pandemya na ito. Let’s all pray na matapos na ito. God bless.

[submitted on 5/16/2020]

Categories
Canada Tagalog

R., 44, a food service worker from St. John’s, Canada

“…Nkapa klaro ng mga bawat mensahe na binibitawan ng gobyerno sa kanyang mga mamamyan. Masasabi ko na epektibo ang kumpanya ng gobyerno laban sa pandemya na ito lalo na dito sa aming probinsiya…”

Itong pandemya na nararanasan ng buong mundo ay napaka hirap sa lahat lalo na sa mga tinatawag nating mga “ Essential workers o Front liners”. Marami sa kasalukuyang apektado , maliit man o malaking kumpanya, mga manggagawa at mga estudyante. Kapag nakakapanood ako ng balita kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan sa Pilipinas lalo na sa Lungsod ng Angeles, probinsiya ng Pampanga kung saan ako pinanganak at lumaki ay lungkot ang aking nararamdaman dahil sa hirap na pagsubok na ito. Sa kasalukuyan naninirahan ako kasama ang aking pamilya dito sa St. John’s NL,probincya ng Canada.

Masasabi ko na napaka swerti ko at mga taong nkatira sa bansang ito dahil sa suporta ng gobyerno sa amin. Nkapa klaro ng mga bawat mensahe na binibitawan ng gobyerno sa kanyang mga mamamyan. Masasabi ko na epektibo ang kumpanya ng gobyerno laban sa pandemya na ito lalo na dito sa aming probinsiya. Lahat dito ay taos Puso nilang sinusuod kung ano ang utos ng Health dept. gaya ng Laging pag hugas ng kamay etc… at ang disiplinang pinapakita ng mga tao dito sa pagtupad sa “social Distancing “. Sana kung kaya namin dito na sumunod ng maayos sa direltiba ng gobyerno ay ganun din sa aking mahal na bansang Pilipinas. Ganun pa man dalangin ko ang mabilis na pag galing ng bawat biktima dulot ng pandemyang ito at panalangin sa buong mundo lalo na sa bansang Pilipinas.

[submitted on 5/16/2020]

Categories
Philippines Tagalog

J.X., 37, a bank worker from Pasig City, the Philippines

“Ang mga tao ay natatakot dahil may banta ng covid19. Sana makahanap na ng vaccine para makabalik na sa normal na buhay ang mga tao…”

Ang buhay sa quarantine ay mahirap dahil limitado ang kilos, hirap sa pagbili ng pagkain, gamot at walang transportasyon. Ang mga tao ay natatakot dahil may banta ng covid19. Sana makahanap na ng vaccine para makabalik na sa normal na buhay ang mga tao. Dapat magkaroon ng disiplina ang bawat isa para maiwasan ang hawaan at pagpasa ng virus. Kailangan din ng mga taong makatanggap ng ayuda lalo na ang mga natigil sa trabaho. Sa mga taong pumapasok naman sa kanilang trabaho kailangan bigyan sila ng mga protective gears ng kanilang mga employers panlaban sa sakit na nakakahawa. Ang aming gobyerno ay katuwang namin sa pandemic na ito.

[submitted on 5/15/2020]

Categories
Philippines Tagalog

Y.B., 66, a homemaker from Parañaque, the Philippines

“Hindi ko kailanman naranasan ang ganitong pandemya sa buong buhay ko. Akala ko ay sa mga pelikula lamang posible ang mga ganitong eksena. Sabi nga nila balang araw, all these will be part of history. Mababasa sa mga libro ng mga susunod na henerasyon ang pandemyang ito na kumitil ng maraming buhay sa buong mundo…”

Ang pandemyang nangyayari ngayon ay nagdulot sa amin ng takot at pangamba hindi lang para sa aming mga sarili kundi para sa lahat ng tao sa buong mundo. Halos lahat ay tumigil sa pagtatrabaho dahil sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Pilipinas. Maraming tao ang nagugutom at humihingi ng ayuda mula sa gobyerno para maipagpatuloy ang kanilang buhay. Sarado ang lahat ng establishments maliban sa supermarkets, public market, piling mga bangko, at mga ospital. Walang mga pampublikong sasakyan sa kalsada. Sarado rin ang mga opisina, kainan, malls at simbahan. Bawal magbenta o bumili ng kahit anong klase ng alcoholic beverages. Pinapayagan lamang lumabas ng bahay ang isang miyembro ng pamilya na mayroong Quarantine Pass (QP) upang bumili ng mga essential na pangangailangan. Lahat ng taong lumalabas ay dapat nakasuot ng face mask at kailangang sumunod sa social distancing. Araw araw mababasa o maririnig sa balita sa TV, radyo at maging sa social media ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga positive cases ng Covid-19. Kasabay rin nito ang dumadaming number of deaths at suspected cases na naghihintay ng resulta ng kanilang swab tests. Hindi ko kailanman naranasan ang ganitong pandemya sa buong buhay ko. Akala ko ay sa mga pelikula lamang posible ang mga ganitong eksena. Sabi nga nila balang araw, all these will be part of history. Mababasa sa mga libro ng mga susunod na henerasyon ang pandemyang ito na kumitil ng maraming buhay sa buong mundo. Sa ngayon, patuloy lang akong nagdadasal na matapos na ito at bumalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat. 🙏🙏🙏

[submitted on 5/15/2020]

Categories
China Hong Kong Tagalog

R.A., 57, a domestic helper from Hong Kong

Kasalukuyang apektado Ang Bansang Hongkong ng Covid-19 umuwi ako upang magbakasyon sa Pilipinas tulad nang inaasahan kailangan mong home magquarantine ako, kaya walang labas talagang sa bahay Lang ako kahit 2 weeks Lang ang holiday ko, one week before ako babalik nang Hongkong nakatanggap ako nang email from cebu pacific na cancelled Ang flight ko pabalik dahil daw sa lumalalang covid-19 nagstop Ang flight nsng cebu pacific so humaba Ang bakasyon ko nang isang buwan at Kalahari, kahit tumagal ako sa takot na makakuha nang virus sa labas mas pinili ko magstay na lang nang bahay para sa kaligtasan ko at sa Mahal Kong pamilya.sa awa nang Diyos naging masaya naman kahit di ako naka gala dahil nandiyan naman Ang pamilya ko kasama kinakain, nagkukwentuhan.kahit na boboring na ako magtiis na lang alang sa kaligtasan namin. Buti naman napakabait nang ating Presente Duterte binigyan kaming mga nastuck sa Pilipinas nang halangang 10 thousands pesos bawat OFW. Swerte ako 4 days bago maglockdown sa Pilipinas naibook ako nang mabait Kong amo nang Cathay Pacific at nakabalik dito sa Hongkong. Pagbalik ko dito stay room din tuwing holiday dahil sa pandemic na lumalaganap nagkaroon na Rin nang takot kasi di mo alam or makikita Ang kaaway mo. So para makasiguradong walang virus na makuha sa labas mas pinili Kong manatili na lang sa room mo at sa kaligtasan narin nang mga amo mo. Dasal ko sa Diyos lahat bumalik na sa normal para nagkaroon na tayong kalayaan. God bless us all. Stay home, keep safe.

[submitted on 5/15/2020]

Categories
Philippines Tagalog

P.K., 29, a cruiser crew worker from Mexico, the Philippines

“…Lahat maayos na naka pag board sa Barko hanggang may isang family na symptomatic. […] Sineserved lahat mula sa tubig hanggang pagkaen namin sa mga rooms namin. Ngayon naka 12 days on isolation na kame at makaka uwe na sa mga pamilya namin…”

March Transit Cruise on Mediterranean Sea ay prepared na at lahat ay nag prepared. March 10 2020 Magbaba at magsasakay na sila ng bagong pasahero na Mula sa Germany total number of 9000 passengers. Lahat maayos na naka pag board sa Barko hanggang may isang family na symptomatic. Hindi nag atubili ang company na dalhin sila sa pinaka malapit na ospital sa Grand Canaria Sta. Cruz de Tenerife na admit ang pamilya ng mahigit isang linggo at sila ay negative. Dahil sa paglaganap ng pandemic inakala ng mga European officers na isa lang itong pangkaraniwang flu na nararanasan nila sa bansa nila. Paglipas ng linggo na desisyon ang Company na ibaba ang 9000 na pasahero sa Spain pabalik ng bansa nila. Sa kadahilanan napaka dame ding crew on board na 1600 crew minabuting paghiwalay hiwalayin lahat sa iisang cabina kada isang tao. Nagbigay ng directiba ang Bansang Spain na kailangan ma dis embark ang lahat ng mga crew at mag iwan ng 100 crew lamang sa barko. Inatasan ng company ang barko na i dis embark ang 400 na European crew pag katapos ng isang linggo mapa uwe ang mga pasahero. Inisolate lahat ng crew at hindi kame pinayagan ng Bansang Spain na maka alis kame ng port sa mahigit isang buwan mula sa sa social distance hanggang pati sa trabaho pinatili ang limitadong pag sasama ng mga crew. 43 days ng isolation nag maka kuha ang company ng chatter flights pabalik ng bansa mula sa Spain. Isang napakalaki crew dis embark ang nagyare na pinagsama sama ang tatlong barko na tangi mga Filipino at Indonesian lang ang pinayagan maka uwe ng bansa. Matagal ang hinintay para payagan ng gobyerno na maka pasok kame sa bansa at hindi biro ang 43 days of isolation we are physically and mentally drained. Despite of situation company still managed to uplift us they actually free the internet for us to communicate to our family at home. Nagapapa salamat parin kame at wala ni isa ang naging infected kahit nasa bansa kame na kung saan libo ang namamatay kada araw. Tatlong malalaking barko ang pinagsama para maka uwe ng bansa 5 hours of flight from Tenerife hanggang Frankfurt Germany. Hindi madali dahil napaka higpit ng bawat bansang dinadaanan namen mahigpit na protocol at hindi biro screening kada isang crew. Hanggang mag boarding na kame sa Frankfurt pauwe ng Manila 14 hrs of flight. Pagbaba ng bansa sumalubong ang mga ahensya ng gobyerno dumaan sa tinatawag na rafid test hanggang sa masakit sa swab test. Paglabas ng airport nag aantay ang buses ng agency na maghahatid sa amen sa mga hotels na pag quarantine sa amin. Mula sa mga bawat mahigpit na check point sa kada City hangga maka rating sa hotel. Pag dating dito kinakailangan namin tapusin ang 14 days of mandatory quarantine para maka uwe sa aming mga pamilya. Sineserved lahat mula sa tubig hanggang pagkaen namin sa mga rooms namin. Ngayon naka 12 days on isolation na kame at makaka uwe na sa mga pamilya namin.

[submitted on 5/14/2020]